5 tao patay, mahigit 70,000 inilikas dahil sa Habagat

By Isa Avendaño-Umali August 14, 2016 - 01:16 PM

maynila guho 2 - august 13, 2016
Radyo Inquirer file photo

Limang indibidwal ang patay habang mahigit pitumpung libong residente sa iba’t ibang lugar sa bansa ang inilikas dahil sa mga pag-ulan dulot ng Habagat.

Sa update mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ang apat na nasawi ang naitala sa Metro Manila.

Kabilang sa fatalities ay ang isang bangkay na natagpuang palutang-lutang sa Nagtahan Pumping Station noong Biyernes; habang dalawa dahil sa pagguho ng firewall sa Sta. Cruz, Maynila; at isa ay namatay matapos bagsakan ng pader sa Quezon City.

Ang ikalimang namatay ay nairekord sa Ilo-Ilo, na sinasabing nalunod makaraang maanod ng rumaragasang alon sa Malbug River.

Sinabi ng NDRRMC na may isang naiulat na nawawala at nagngangalang Ruben Pahilagmo, 57 years old at mula sa Barangay Bognuyan, Gasan, Marinduque.

Aabot naman sa 15,665 na mga pamilya or 70,665 na indibidwal ang naapektuhan ng malakas na ulan nitong mga nakalipas na araw hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga apektadong residente ay mula sa Metro Manila, Negros Island Region, Autonomous Region in Muslim Mindanao, Central Luzon, Calabarzon at Western Visayas.

Dagdag ng NDRRMC, hindi bababa sa pitong kalsada sa Benguet, Bulacan, Pampanga at Batangas ang impassable o hindi pa madaanan ng mga sasakyan dahil sa mataas na baha at landslides.

Nananatili naman ang NDRRMC sa red alert lalo’t inaasahan na hanggang bukas o Martes pa ang Habagat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.