Mar Roxas, iba pang kaalyado ng mga Aquino, dumalo sa Citizen’s Assembly laban sa Marcos hero’s burial

By Mariel Cruz August 14, 2016 - 12:52 PM

Kuha ni Mariel Cruz
Kuha ni Mariel Cruz

Natapos na ang isinagawang kilos-protesta laban sa posibilidad na paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Hindi bababa sa walong daang katao kabilang na ang ilang malalaking personalidad partikular na ang ilang mambabatas ang dumalo at nakiisa sa pagtitipon na isinagawa ng Citizen’s Assembly against Marcos burial in Libingan ng mga Bayani dito sa Lapu-Lapu Shrine sa Luneta Park.

Sa nasabing pagtitipon, nagbigay ng kani-kaniyang pahayag ang ilang mambabatas na dumalo.

Kabilang na dito sina Sens. Leila de Lima, Risa Hontiveros at Bam Aquino at maging sina Reps. Teddy Baguilat, Edcel Lagman atat dating Congressman Walden Bello.marcos 3

Dumating din si dating DILG Sec. Mar Roxas na kaalyado ni dating Pangulong Noynoy Aquino, na no-show sa pagtitipon.

Naghandog naman ng awiting ang mga batikang singer na sina Bayang Barrios at Cooky Chua na sinundan ng sariling pahayag ng batikang direktor na si Joel Lamangan.

Sa huli, nanaig pa rin ang mariing pagtutol ng mga anti Marcos sa paglilibing kay Dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani na una nang pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: Marcos burial, Marcos burial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.