Protesta laban sa Marcos burial, natuloy ngayong araw!
Sa kabila ng masamang panahon, dumagsa ang mga participant sa kilos-protesta sa Luneta Park, sa Maynila ngayong araw, laban sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ibinandera ng mga ralisyista ang iba’t ibang banner, gaya na lamang ng isang may nakasulat na ‘Marcos not a hero’, bilang mariing pagtutol sa Marcos burial.
Kapasin-pansin na mga nakasuot ng dilaw na damit ang mga nakibahagi sa protesta.
Bukod naman sa iba’t ibang mga grupo, ang pagtitipon ay dinaluhan din ng ilang mga personalidad gaya nina dating Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas, dating DBM Secretary Butch Abad, Senators Bam Aquino at Risa Hontiveros, dating CHR Chair Etta Rosales, dating Senador Bobby Tañada, Congressmen Edcel Lagman at Teddy Baguilat, Bayang Barrios, Cookie Chua, Leah Navarro at iba pa.
Bigo namang makarating si Vice President Leni Robredo dahil siya’y may lagnat.
Ang protesta ay hindi lamang isinagawa ngayong araw sa Maynila, kundi sa iba pang lugar sa bansa tulad sa Baguio City, Cebu at Davao.
Nauna nang kinumpirma ng kampo ng dating Presidente Marcos na sa September 18, 2016 ililibing sa Libingan ng mga Bayani ang binansagang diktador ng Pangulo.
Matatandaang sinabi rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kahit pa isang buwan na mag-rally ang mga anti-Marcos ay papayagan niya, dahil buo na umano ang kanyang loob sa pagpayag sa Marcos burial.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.