Ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, ang naturang bilang at as of 6AM ngayong araw ng Linggo (August 14).
Hindi bababa sa pitumpu’t siyam na evacuation centers ang binuksan sa mga apektadong lugar sa Luzon, kung saan nasa 3,888 na mga pamilya ang siniserbisyuhan sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, at Calabarzon.
Nasa 16,483 na na pamilya naman na nasa labas ng mga evacuation center ang inaayudahan na rin ng DSWD.
Batay naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, hindi bababa sa dalawampu’t tatlong paaralan ang ginamit bilang evacuation centers, kung saan labing siyam ay sa NCR at Calabarzon, at apat na eskwelahan sa Central Luzon.
Kahapon, hinimok ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo ang publiko lalo na ang mga nakatira sa mga bahaing lugar na maghanda para sa anumang posibleng emergencies, bukod pa sa palaging mag-monitor ng update sa sama ng panahon.
Abbot sa P34.2 million ang standby funds ng DWSD para sa pagbili ng emergeny relief supplies, habang nauna nang naghanda ng 196,626 family packs na ipapamahagi sa mga apektadong pamilya.
Tuluy-tuloy din ang koordinasyon ng DWSD sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga nasalanta.