Oil price hike, kumpirmado ngayong linggo
By Isa Avendaño-Umali August 14, 2016 - 07:35 AM
May nakaambang price hike sa mga produktong petroly, na epektibo sa mga darating araw.
Batay sa oil industry, tinatayang nasa 65 hanggang 75 centavos ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.
45 hanggang 55 centavos naman ang pagtaas sa halaga ng bawat litro ng gasolina, habang 60 hanggang 70 centavos sa kada litro ng kerosene.
Ang nakatakdang price increase ay kasunod ng serye ng rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.