Rain or Shine Elasto Painters, wagi kontra Alaska Aces

By Rod Lagusad August 14, 2016 - 04:20 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Panalo ang Rain or Shine Elasto Painters laban sa Alaska Aces sa iskor na 117-114 sa PBA Governors’ Cup kahit na wala ang kanilang coach na si Yeng Guiao matapos palabasin ito.

Inutusan si Guiao na lumabas matapos makipagtalo ito tungkol sa isang tawag na ginawa sa third quarter ng laro pero sa kabila nito nagawa pa rin ng Elasto Painters na ungusan ang Aces.

Kumamada ng 24 points si Dior Lowhorn na nakakuha ng tulong mula kina Paul Lee na may 18 points , JR Quinahan na may 16 points at at Chris Tiu na may 13 points.

Ayon kay Guiao, kahit na nawala siya sa laro ay maganda ang ipinakita ng kanilang koponan dahil sa nagabayan sila ng coching staff na si Caloy Garcia sa pagpapatuloy ng laro.

Dagdag pa ni Guiao, na hindi pa rin siya lubusang masaya sa nagiging takbo ng kanilang laro dahil na nanatili  pa rin silang hindi consistent.

Binigyaang diin ni Guiao na dapat bigyang pansin ng liga ang pagkakalito kung ano ang maituturing na foul sa hindi foul.

 

 

 

 

TAGS: Alaska Aces, PBA, Rain Or Shine Elasto Painters, Yeng Guiao, Alaska Aces, PBA, Rain Or Shine Elasto Painters, Yeng Guiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.