Kasarian ng magiging anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, kanilang ibinahagi

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Ibinahagi na ng celebrity couple na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na babae ang kanilang magiging anak.

Kanilang sinabi ang kasarian ng kanilang magiging anak sa isang party na dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at ilang miyembro ng press na ginanap sa Le Jardin sa Taguig City.

Ayon kay Rodriguez, unang beses na sinabi sa kanya na lalaki ang kanyang ipinagbubuntis pero makalipas ang ilang lingo ay ito ay binawi at sinabing babae ang kanilang magiging anak.

Ang naganap na party ay tripleng pagdiriwang dahil bukod sa pagbubuntis ni Rodriguez sa kanilang unang anak, ito rin ay nagsilbing birthday bash para sa kanya na nagdiriwang ng kanyang 32nd birthday at ang kanilang anniversary bilang mag-asawa mula ng ikasal sila noong 2010.

Matatandaan na kinumpirma ni Rodriguez ang kanyang pagbubuntis noong May, walong buwan matapos ang kanyang pangalawang miscarriage.

Masro ng nakaraang taon ng unang makunan si Rodriguez at ayon sa kanyang mister, kanilang itinuturing na milagro ang kanilang magiging anak.

Sumasailalim si Rodriguez sa herapin treatment upang maging madali ang kanyang panganganak, kung saan una na nitong inanunsyo na pansamantalang magbe-break siya sa kanyang trabaho dahil sa kanyang pagbubuntis.

Ito ang magiging anak ni Rodriguez habang si Padilla ay may anim ng anak, kung saan apat dito ay sa kanyang dating asawa na si Liezl Sicangco.

 

Read more...