Supplier ng party drugs sa Makati at BGC, arestado

By Rod Lagusad August 14, 2016 - 04:20 AM

DrugsArestado ang dalawang pinaghihinalaang supplier ng mga party drugs sa mga upscale clubs dito sa Metro Manila kaugnay ng mas pinalawak na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal na droga.

Timbog ang Filipino-American na si Evan Reanald Baylon matapos mahuling nagbebenta ng 10 ecstasy tablets sa haling P8,000 sa isang entrapment operation sa isang parking lot sa Bonifacio Global City.

Nahuli rin ang kanyang supplier na isang ring Filipino-American na kinilalang si Emilio Lim sa condomimium nito na kung saan narebor dito ang ecstasy tablets, marijuana at hash oil.

Ayon kay Senior Superintendent Tomas Apolinario ng Southern Police District commander, ito ay bahagi ng kanilang pagtutok sa mga high end bars at clubs sa Makati at BGC.

Simula ng maupo bilang president si Pangulong Rodrogo Duterte noong June 30 ay nagsimula na rin ang mas pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga.

 

 

TAGS: Bonifacio Global City, drugs, Makati, p[arty drugs, Bonifacio Global City, drugs, Makati, p[arty drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.