Domestic flight, nakansela dahil sa isang aksidente sa NAIA

By Rod Lagusad August 14, 2016 - 04:19 AM

NAIA1Kinansela ang isang domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang isang metal sheet sa bubong nito ay liparain at tumama sa windshield ng nakaparadang eroplano.

Ayon sa Manila International Airport (MIAA), ang Cebu Pacific-Tiger Airways (Cebgo) flight DG 6235 na byaheng Maynila papuntang Caticlan ay nakaparada sa NAIA Terminal 4 ng liparin ang naturang parte ng bubong ng paliparan na kasalkukuyang sumasailalim sa pagkukumpuni.

Ang nasabing flight sana ng naturang eroplano ay alas-nuwebe ng umaga ay nakansela at ang aabot na 150 na pasahero nito ay na-rebook sa ibang flights.

Nakasela din ang return flight nito na , DG 6326 na  byaheng Caticlan pabalik ng Maynila.

Dagdag pa ng MIAA na nangyari ang insidente ng ibinababa na ang nasabing metal sheets.

Sinabi ng MIAA, maliban sa maliit na gasgas ay wala namang seryosong pinsala ang naturang eroplano.

 

TAGS: Cebu Pacific-Tiger Airways, Manila International Airport, Ninoy Aquino International Airport, Cebu Pacific-Tiger Airways, Manila International Airport, Ninoy Aquino International Airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.