Nagkaroon ng lindol sa kanlurang bahagi ng Naval sa Biliran bandang 10:05 pm ng Sabaoi na naramdaman din sa mga lalawigan ng Cebu, Leyte at Masbate.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nasa Magnitude 5 ang nasabing lindol namay lalim na 7 kilometro.
Naramadaman ang Intensity V sa Naval at Almeria, Biliran, Intensity IV sa Tolosa, Leyte, Intesity III sa Mandaue City at Intensity II sa Cebu City at Masbate.
Sinabi ni Robinson Giorgio ng Cebu Phivolcs na ang naturang lidol ay isang tectonic.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na anumang pinasala pero kanilang binalaan ang publiko na mag-ingat sa mga aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.