Residential area sa Muntinlupa City, nasunog

By Rod Lagusad, Ruel Perez August 13, 2016 - 09:55 PM

sunog sa muntinluoa city - august 13, 2016Nasunog ang isang residential area sa Purok 13 Sitio Pagasa Alabang sa Muntinlupa City na kung saan karamihan ng mga naninirahan ay mga informal settlers.

Aabot sa 200 bahay ang natupok ng apoy at humigit kumulang 300 na pamilya ang naapektuhan ng sunog na umabot sa Task Force Charlie.

Inaresto naman ang isang residenteng nagngangalang Michael Kabalquinto, na tinatayang nasa edad 34 years old, may asawa at isang anak.

Ayon sa mga kapitbahay ni Kabalquinto, sinunog nito umano ang sariling bahay at pagkatapos ay nagkulong ito sa loob.

Sinasabing lulong si Kabalquinto sa ipinagbabawal na gamot na dinampot naman ng Muntinlupa Police para maimbestigahan.

Tinatayang aabot sa 1.5 million pesos ang halaga ng napinsala.

Wala namang naiulat na namatay sa nasabing sunog maliban kay Kabalquinto na nagtamo ng lapnos sa braso at hita.

Kaugnay nito pansamantalang lumikas ang mga nasunugan sa Don Bosco.

Dahil sa sunog bumigat ang daloy ng trapiko kaya apektado ang mga papuntang Las Piñas dahil sa pagsisikip sa bandang Alabang Town Center Mall dahil ang ibang mga residente nasa tabi na ng kalsada.

TAGS: Muntinlupa City, sunog, Muntinlupa City, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.