Itinaas ang Alert Level 4 sa Marikina River nitong hapon.
Ayon sa Marikina City Public Information Office, nagtaas ng alert level dakong alas kuwatro ng hapon.
Bandang 4:17 ng hapon ay umabot na sa 18 meters ang water level sa Marikina River.
Binuksan na rin ang lahat ng walong floodgates ng ilog para magpakawala ng tubig.
Sa ilalim ng Alert Level 4, ang local government disaster response unit ay magpapatupad ng forced evacuation sa mga residente malapit sa Marikina river.
Sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na bahain ang lugar dahil sa pagtaas ng tubig mula sa ilog.
Apektado ng pagtaas ng lebel ng tubig sa Marikina River ang barangays Tumana, Nangka at Poblacion partikular ang Provindence Village.
Dakong alas tres ng hapon ay sinimulan na ang paglilikas sa ilang residente sa barangays Nangka at Tumana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.