Si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas pa rin ang nangunguna sa listahan ng pinagpipiliang standard bearer ng administasyon.
Ito ang nilinaw ni Pangulong Aquino, kasbaay ng pag-amin na nagulat siya sa mga lumabas na balita na hindi man lang daw ikinokonsidera ng Liberal Party si Roxas para sa 2016.
Ayon kay Pangulong Aquino, isang mahalagang miymebro ng gabinete si Roxas na ilang beses na ring nagpakita ng malawak na kasanayan sa iba’t-ibang assignment, isang kilalang lider ng partido kahit na noong nasa oposisyon pa sila at napatunayan nang kayang magsakripisyo tulad ng pagbibigay daan niya noong 2010 elections.
Sa ngayon, sinabi ng Pangulo na patuloy pa ang kanilang ginagawang mabusising konsultasyon at inaasahan niyang makapag-aanunsyo na siya ng kanilang standard bearer pagkatapos ng kaniyang State of the nation Address o SONA.
Ginawa ng Pangulong Aquino ang pahayag sa pagdalonito sa Brigada Eskwela at Oplan balik Eskwela sa Marikina City.
Pinangunahan ni PNoy ang Oplan Balik Eskwela sa Marikina Elementary School sa Sta. Elena, Marikina kasama sina Education Sec. Armin Luistro, TESDA Director Joel Villanueva, Marikina Rep. Miro Quimbo at Marikina City Mayor Del De Guzman. / Alvin Barcelona
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.