1 kilo shabu, pera nakuha sa raid sa Cebu City Jail

By Den Macaranas August 13, 2016 - 09:50 AM

Cebu Jail
Inquirer file photo

Umaabot sa mahigit sa isang kilo ng Shabu, P1 Million cash, mga appliances at ilang piraso ng cellphones ang nakuha ng mga otoridad sa greyhound operations sa Cebu City Jail at Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center.

Pasado ala-una ng madaling araw kanina ng biglang pumasok sa bilangguan ang mga naka suot ng full-battle gear na mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Drug enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni PNP Region 7 Director Noli Taliño na hindi na sila kumuha ng search warrant para sa nasabing operasyon dahil direktang nasa pangangasiwa naman ng BJMP ang nasabing mga kulungan.

Nabigla ang mga bilanggo sa surpresang pagsalakay at kaagad silang inilayo sa kani-kanilang mga dormitory habang isinasagawa ang paghalughog.

“Based sa information na nakuha natin, ginagawa nang tiangge ang loob ng kulungan. Kunwari pumapasok ang mga drug users dito para bumibisita pero dito pala sila bumili at gumamit ng illegal drugs kasi takot sila sa Tokhang sa labas”, paliwanag ni Taliño.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 3,089 ang bilanggo sa moob ng Cebu City Jail samantalang 600 lamang ang kapasidad nito.

Nagsisiksikan naman ang 3,000 preso sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center samantalang 1,600 lamang ang dapat ay bilang ng mga nakakulong dito.

TAGS: BJMP, cebu city jail, shabu, BJMP, cebu city jail, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.