Sinimulan nang magsagawa ng inspeksyon ang Department of Transportation at Department of Public Works and Highways sa ruta ng North Railway project mula sa Tondo sa Maynila hanggang sa Malolos Bulacan.
Ang 38-kilometers train system project na ito ay natigil nang pumasok ang Aquino administration noong 2010 dahil sa isyu ng katiwalian .
Sa paunang report, isang elevated train system ang itatayo sa dating ruta ng Philippine National Railways (PNR).
Sa kanyang unang State of the Nation Address ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bubuhayina ng nasabing ruta ng tren para mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Northern part ng Metro Manila.
Sinabi ni Masato Ohtaka, spokesman ng Japanese Foreign Ministry na maglalaan ang kanilang pamahalaan ng $2.4 Billion para sa nasabing proyekto.
Ang naturang rail project ay bahagi ng pag-uusap nina Duterte at Japan Foreign Minister Fumio Kishida.
Ang nasabing loan ay babayaran ng bansa sa loob ng apatnapung taon pero pwede daw itong mabigyan ng palugit ayon sa Japanese government.
Nauna dito ay sinabi ng pamahalaang hapon na nakahanda rin silang tumulong sa pagpapalakas ng Philippine Coast Guard lalo’t mainit ngayon ang tensyon sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.