CBCP humihirit ng imbestigasyon sa CHR sa pagsabog sa Pque City Jail

By Den Macaranas August 13, 2016 - 08:46 AM

PQue city jail
Inquirer file photo

Umapela sa Commission on Human Rights ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gumawa ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa naganap na pagsabog sa loob ng Paranque City Jail na ikinamatay ng sampung mga preso.

Sinabi ni Commission on Prisons and Pastoral Care executive director Rodolfo Diamante na may mas malalim na dahilan sa nasabing insidente.

Kamakalawa ng gabi naganap ang insidente makaraang humingi ng dayalogo kay Jail Warden Supt. Gerald Bantag ang mga preso.

Ililipat kasi sa ibang kulungan ang ilan sa mga preso at sila ay tumututol dito.

Sa paunang imbestigasyon ay nagpumilit umano ang mga bilanggo na pumasok sa opisina ni Bantag hanggang sa mauwi ito sa barilan.

Sinasabing armado rin ng granada, baril at balisong ang mga preso kung saan ay kabilang ang Jail Warden sa mga sugatan.

Sinabi ni Diamante na mahalagang maimbestigahan ang insidente lalo’t nauuso ngayon ang mga biktima ng extra-judicial killings sa bansa.

TAGS: CBCP, city jail, paranque, CBCP, city jail, paranque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.