“Blue book” ng drug lord na si Kerwin Espinosa hawak na ng PNP

By Den Macaranas August 13, 2016 - 07:59 AM

Kerwin-Espinosa-drug-lordIsinumite na sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga pangalan ng ilang mga pulitiko at pulis na tumatanggap ng payola mula sa suspected drug lord na sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Jr. at ng kanyang anak na si Kerwin,

Ipinaliwanag ni C/Insp. Jovi Espinido, hepe ng pulisya sa bayan ng Albuera na nakuha nila ang pangalan ng mga pulitiko at PNP personnel sa bahay ng mga Espinosa na kanilang sinalakay noong isang linggo.

Kabilang sa mga ebidensiyang nakuha ay ang ilang piraso ng tseke at rehistro ng mga sasakyan.

Ilang mga pulitiko rin at mga pulis ang sinasabing tumanggap ng ilang mga mamahaling kotse mula sa mga Espinosa.

Sa isinagawang raid ng PNP ay nakarekober sila ng 11 kilogram ng Shabu na may street value na P88 Million.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko si Kerwin sa kabila ng ibinigay niyang surrender feeler sa PNP.

TAGS: albuera, blue book, kerwin espinosa, PNP, albuera, blue book, kerwin espinosa, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.