Hinihinalang salvage victim, natagpuan sa Payatas

By Jong Manlapaz, Kabie Aenlle August 13, 2016 - 05:05 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Patay na nang matagpuan ang hinihinalang biktima ng summary execution sa bahagi ng Payatas Rd., Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 6, wala nang nakapansin sa naganap na pagbaril sa biktimang hanggang ngayon ay kinikilala pa rin ng mga otoridad.

Nakasuot ng pulang t-shirt at itim na short ang biktima, habang nakatali ng duct tape ang mga kamay nito.

Sa kabila ng halos walang patid na pagbuhos ng ulan, tuyo pa ang bangkay nang matagpuan ito ng mga otoridad pasado alas-11 ng gabi ng Biyernes, na posibleng nangangahulugang kakatapon lamang nito sa liblib at madilim na bahagi ng Payatas.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng bala ng 9mm na baril.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo sa pagpatay sa biktima, pati na rin ang pagkaka-kilanlan nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.