Mataas na opisyal ng KMP, arestado sa Quezon

By Kabie Aenlle August 13, 2016 - 04:52 AM

arrestedArestado ang isang opisyal ng militanteng grupo na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kasunod ng pinagsanib pwersang operasyon ng mga pulis at militar sa bayan ng Catanauan sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Macalelon police officer-in-charge Chief Insp. Lalaine Malapascua, natimbog ang national vice chair ng KMP na si Antonio Pajalla dakong alas-9:30 ng umaga ng Biyernes sa Brgy. Matandang Sabang sa bisa ng warrant of arrest laban sa kaniya dahil sa kasong rebelyon.

Ani Malapascua, hindi naman pumalag si Pajalla nang arestuhin siya habang nasa isang sasakyan at sa ngayon ay naka-ditine siya sa Macalelon police station.

Samantala, mariin namang kinondena ng KMP ang anila’y iligal na pag-aresto sa isa sa kanilang mga pinuno at hiniling ang agad na pagpapalaya kay Pajalla.

Sa kanilang inilabas na pahayag, sinabi ni KMP secretary general Antonio Flores, huling pumunta si Pajalla sa munisipyo ng Pacalelon upang magsumite ng solicitation letters para sa regional assembly ng Coco Levy Fund Ibalik sa Amin movement.

Paliwanag ni Flores, matagal nang pinuno ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS) si Pajalla at isinusulong nito na maibalik na ang coco levy fund na para sa mga coconut farmers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.