Duterte at Misuari, sa 2017 na mag-uusap

misuari-duterteDahil hindi natuloy ang kanilang pagkikita kahapon, sa 2017 na lamang magpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa susunod na taon na niya balak kausapin si Misuari kapag natapos na ang mga peace talks, nang sa gayon ay mai-konsulta niya ito sa pinuno ng MNLF.

Umaasa ang pangulo na kapag nakapulong na niya si Misuari, mas malaki na ang tsansa na makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Una nang sinabi ng pangulo na handa siyang bigyan ng safe conduct pass si Misuari na isang puganteng wanted dahil sa rebelyon.

Aniya pa, magkakilala sila ni Misuari at ilang beses na niyang sinabi na dapat nang pag-usapan kung paano magagawan ng paraan na magkaroon na ng kapayapaan sa Mindanao.

Read more...