Bahagi ng Taft Ave. isasara ngayong weekend

By Kabie Aenlle August 13, 2016 - 04:40 AM

dotr advisoryNag-abiso na ang Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang isasara ang bahagi ng Taft Avenue sa EDSA mula ngayong Sabado hanggang bukas, araw ng Linggo.

Ayon sa advisory ng DOTr, isasara ang innermost lane ng Taft Avenue, mula alas-8:00 ng gabi ng Sabado, hanggang alas-3:00 ng madaling araw ng Linggo.

Magpapatuloy naman ito alas-3:00 ulit ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi ng Linggo.

Isasara ang nasabing daan para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista habang ina-assemble at ina-unload ang mga bagong bagon ng MRT-3.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing daan at gumamit ng alternatibong ruta upang hindi maabala ng posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.