Sa kaniyang pagharap sa mga sundalo sa Jolo, Sulu, sinabi ng pangulo na handa naman siyang makipag-usap sa mga ito at hilingin sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na pumirmi muna.
Ngunit ayon sa pangulo, ang Abu Sayyaf mismo ang may problema dahil ni hindi nga niya alam kung sino talaga ang mga ito at kung sino ang pinagsisilbihan nila.
Kinausap na rin ni Duterte si Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari tungkol sa Abu Sayyaf, ngunit kahit si Misuari ay hindi makumbinse ang bandidong grupo.
Kaya naman naninindigan ang pangulo na hindi lang dapat basta kalabanin ang mga kumakalaban sa pamahalaan o sa bansa, kundi dapat ay buwagin sila nang tuluyan tulad ng Abu Sayyaf.