Abu Sayyaf, mahirap kausap – Duterte

By Kabie Aenlle August 13, 2016 - 04:38 AM

duterte-08091Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na mahirap paupuin ang Abu Sayyaf group para sa usaping pang-kapayapaan dahil parang wala namang direksyon na pinatutunguhan ang mga ito.

Sa kaniyang pagharap sa mga sundalo sa Jolo, Sulu, sinabi ng pangulo na handa naman siyang makipag-usap sa mga ito at hilingin sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na pumirmi muna.

Ngunit ayon sa pangulo, ang Abu Sayyaf mismo ang may problema dahil ni hindi nga niya alam kung sino talaga ang mga ito at kung sino ang pinagsisilbihan nila.

Kinausap na rin ni Duterte si Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari tungkol sa Abu Sayyaf, ngunit kahit si Misuari ay hindi makumbinse ang bandidong grupo.

Kaya naman naninindigan ang pangulo na hindi lang dapat basta kalabanin ang mga kumakalaban sa pamahalaan o sa bansa, kundi dapat ay buwagin sila nang tuluyan tulad ng Abu Sayyaf.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.