20 dating prostitutes, binisita ni Pope Francis

By Kabie Aenlle August 13, 2016 - 04:36 AM

Pope FrancisSorpresang dinalaw ni Pope Francis ang 20 dating mga prostitutes sa Rome upang makipag-usap sa kanila.

Matatandaang ilang ulit nang sinabi ng Santo Papa na ang prostitusyon ay isang “crime against humanity.”

Ayon sa inilabas na pahayag ng Vatican, ang pito sa 20 kababaihan ay mula sa Nigeria, dalawa mula sa Albania. anim mula sa Romania, at tig-isa mula sa Italy, Tunisia at Ukraine.

Pawang mga nasa edad 30 na ang mga kababaihan na kinupkop ng isang Catholic association sa isang apartment sa Italy matapos silang masagip mula sa mga bugaw.

Naki-umpok sa kanila si Pope Francis at mahigit isang oras nakinig sa mga babaeng dating nag-dusa sa malubhang pisikal na pang-aabuso dahil sa pagiging sex slaves.

Sumakto ang pag-bisita ng Santo Papa sa kaniyang tinatawag na “Fridays of Mercy” kung saan bigla siyang nagsasagawa ng “unscheduled act of mercy” kada buwan, tuwing Biyernes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.