Orange rainfall warning, nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit probinsya

Orange Rainfall WarningNananatiling nakataas ang orange rainfall warning sa Metro Manila, Batangas, Cavite, at Rizal base sa pinakahuling heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA, ala-1:00 ng madaling araw.

Dahil sa nasabing rainfall warning, mayroon pa ring posibilidad ng pag-baha sa mga nabanggit na lugar kung saan mararanasan ang malakas na ulan sa loob ng susunod na dalawang oras.

Nakataas naman ang yellow warning sa Zambales, Bataan, Tarlac, Bulacan at Pampanga at pinaalalahanan na posible ang pagbaha sa mga mababang lugar.

Samantala, inaasahan namang makakaranas ng malakas na ulan sa Laguna, Nueva Ecija at Quezon na maaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

Read more...