Orange rainfall warning, nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit probinsya
Nananatiling nakataas ang orange rainfall warning sa Metro Manila, Batangas, Cavite, at Rizal base sa pinakahuling heavy rainfall warning na inilabas ng PAGASA, ala-1:00 ng madaling araw.
Dahil sa nasabing rainfall warning, mayroon pa ring posibilidad ng pag-baha sa mga nabanggit na lugar kung saan mararanasan ang malakas na ulan sa loob ng susunod na dalawang oras.
Nakataas naman ang yellow warning sa Zambales, Bataan, Tarlac, Bulacan at Pampanga at pinaalalahanan na posible ang pagbaha sa mga mababang lugar.
Samantala, inaasahan namang makakaranas ng malakas na ulan sa Laguna, Nueva Ecija at Quezon na maaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.