12 flights na lalapag sana sa NAIA, na-divert sa Clark Airport

NAIA Terminal 3Dahil sa sama ng panahon sa Metro Manila, labingdalawang flights na lalapag sana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang na-divert sa Clark Airport sa Pampanga.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa na-divert ang mga international at domestic flights na lalapag sana sa Terminals 1, 2, 3 at 4.

Narito ang listahan ng mga na-divert na flights ayon sa MIAA:

(Terminal 1)
EY 424 Abu Dhabi-MNL
KU 411 Bangkok-MNL
CZ 397 Guangzhou-MNL

(Terminal 2)
2P 2144 Iloilo-MNL
PR 101 Honolulu-MNL

(Terminal 3)
5J 386 Cagayan De Oro-MNL
5J 622 Tagbilaran-MNL
5J 704 Dipolog-MNL
5J 572 Cebu-MNL
EK 332 Dubai-MNL
CX 919 Hong Kong-MNL

(Terminal 4)
Z2 353 Tagbilaran-MNL

Para sa mga kaanak ng pasahero na sakay ng nasabing mga flights, maaring tumawag sa sumusunod na numero:

T1 – 8771765
T2 – 877-1109 loc. 2882
T3 – 8777888 loc. 8144
T4 – 551-4119

O di kaya ay mag-text sa 09178396242.

Kaninang alas 7:00 ng gabi, itinaas na ng PAGASA ang orange rainfall warning sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na malakas na buhos ng ulan.

 

 

Read more...