Orange rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Itinaas ng PAGASA ang orange rainfall warning sa Metro Manila, Rizal, Bataan, Cavite at Batangas.
Sa abiso ng PAGASA ngayon alas 7:00 ng gabi, patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga nabanggit na lalawigan dahil sa umiiral na habagat.
Babala ng PAGASA sa mga residente, nagbabadya ang pagbaha lalo na sa mabababang lugar.
Samantala, yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Zambales, Pampanga, Bulacan at Tarlac.
Habang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Laguna, Nueva Ecija at Quezon.
Payo ng PAGASA sa publiko manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng weather bureau.
Dahil naman sa malakas na pag-ulan, marami nang lugar sa Metro Manila ang binaha.
Sa Maynila, baha sa bahagi ng Pedro Gil, sa Sta Ana.
Sa Quezon City, marami na ring mga kalsada ang lubog sa tubig baha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.