Umano’y banta ng ISIS sa Miss Universe pageant, hindi binabalewala ng AFP

111615-ISIS-flagHindi binabalewala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ulat hinggil sa pagbabanta umano ng Islamic State (IS) na maglulunsad ng pag-atake sa gaganaping Miss Universe pageant sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ayon sa AFP, sinusuri na nila ang pinagmulan ng video ng umano’y pagbabanta para matukoy ang “authenticity” nito.

“That notwithstanding, we are taking the threat seriously. As in any threats, whether verified or not, it behooves the AFP—in coordination with the PNP and other counterpart agencies—to take appropriate measures to counter the threats,” ayon sa pahayag ng AFP.

Sa video na unang kumalat sa Facebook, ipinakikita ang pagtuturo ng paggawa ng bomba sa isang pro-IS social media channel at ang bomba ay para umano sa “Miss Universe pageant”.

Samantala, nanawagan naman si AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya sa publiko na maging mahinahon at kalmado.

Paliwanag ni Visaya, ang mga ganitong klaseng pagbabanta ay istilo ng mga teroristang grupo gaya ng ISIS para lumikha ng kaguluhan.

Sa kabila nito, muling iginiit ng militar na walang ISIS sa Pilipinas at ang mga grupong nagsasabing may ugnayan sila sa ISIS ang mga grupong ginagamit lang ang pangalang ISIS para makahikayat ng mas maraming miyembro at makakuha ng pondo.

 

Read more...