P10 rollback sa taxi fare, umiiral pa rin

Inq file
Inquirer file photo

Umiiral pa rin ang rollback na P10 sa pamasahe sa taxi sa buong bansa.

Ito ang paglilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod ng mga natatanggap na reklamo mula sa mga pasahero na may mga taxi drivers na tumatangging magsauli ng sampung piso.

“The P10 rollback for taxis nationwide is still in effect. This will be taken-off the total fare. The flag down rate remains at P40,” ayon sa twitter post ni LFRB Chairman Winston Ginez.

Nilinaw naman ni Atty. Roberto Cabrera, executive director ng LTFRB na wala pang inilalabas na bagong kautusan ang regulatory board mula sa petisyon ng mga taxi operators at drivers na ibalik sa P40 ang flagdown rate ng taxi sa Metro Manila.

Ayon kay Cabrera, maaring mapatawan ng multa ang mgat axi driver na hindi susunod sa umiiral na kautusan ng LTFRB.

Sinabi ni Cabrera na posibleng sa Biyernes ay maglalabas ng desisyon ang LTFRB kung pagbibigyan o hindi ang petisyon ng samahan ng mga taxi.

Hinimok naman ng ahensya ang publiko na magreklamo sa pamamagitan ng kanilang twitter account na @LTFRB_Chairman o di kaya ay tumawag sa telepono bilang 459-2128 para agad maaksyunan ang mga abusadong taxi drivers./ Erwin Aguilon

Read more...