Dagdag na kaso isinampa laban kay dating Pangulong Aquino kaugnay sa Mamasapano operation
Isinampa na ang ikatlong batch ng kaso laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III ng mga kaanak ng napatay na mga miyembro ng Special Action Force (SAF) dahil sa palpak umanong operasyon sa Mamasapano noong January 25, 2016.
Ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban kay Aquino ay ikatlo na sa serye ng mga reklamo kaugnay ng pagkamatay sa SAF 44.
Gaya sa dalawang unang complaints, kasama sa kinasuhan si dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Chief Getulio Napeñas.
Kasama ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ang mga kamag-anak na nagsampa ng reklamo sa dating pangulo ay sina Telly Sumbilla, ina ni PO3 John Lloyd Sumbilla; Helen Ramacula, ina ni PO2 Rodel Ramacula; at Lorna Sagonoy, ina ni PO1 Joseph Sagonoy.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, ang mga ina ng napatay sa SAF Commandos ay galing sa Samar.
Sa unang dalawang reklamo, sinabi ng petitioners na dapat managot si Aquino dahil pinayagan nito ang suspendidong si Purisima na makibahagi sa Oplan Exodus para sa pag-aresto sa international terrorist na si Zulkifli bin Hir alias Marwan.
WATCH: Telly Sumbilla, mother of PO3 John Lloyd Sumbilla, breaks down as she calls for justice @inquirerdotnet pic.twitter.com/LJEVcR9GZ0
— Marc Jayson Cayabyab (@MJcayabyabINQ) August 12, 2016
WATCH: Helen Ramacula breaks down as she recounts death of SAF cop,son PO2 Rodel Ramacula @inquirerdotnet pic.twitter.com/AmsjekMjHD
— Marc Jayson Cayabyab (@MJcayabyabINQ) August 12, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.