Paunang pakikipag-usap ni FVR sa China, naging matagumpay
Kinikilala na ng China bilang special envoy ng Pilipinas si dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Ito ang kinumpirma ng Malakanyang matapos ang pagbisita ni Ramos sa Hong Kong.
Sa ngayon, inaayos na ang petsa ng mga susunod na pormal na pag-uusap ni Ramos at dalawang kaibigang Chinese na isasagawa sa Beijing at Manila o sa ibang lugar na mapagkakasunduan.
Ito ay para plantsahin na at umpisahan ang diplomatic talks sa West Philippine Sea.
Una rito, sinabi ni Ramos na tagumpay ang kanyang biyahe sa Hong Kong dahil nakausap na niya ang kanyang dalawang kaibigang Chinese na may mahalagang gampanin sa isyu ng sigalot sa West Philippine Sea.
Bukod sa isyu ng West Philippine Sea, naiparating din ni FVR sa Chairman ng Foreign Affairs Committee on National People’s Congress at sa presidente ng National Institute for South China Sea Studies ang isyu laban sa iligal na droga at smuggling, turismo, kalakaran at pamumuhunan at ang matagal ng pagkakaibigan ng magkapitbahay na bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.