Military honors, ipagkakaloob kay dating Pangulong Marcos

Ferdinand-Marcos-0922Pagkakalooban ng military honors si dating Pangulong Ferdinand Marcos kapag ililibing na ito sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Army spokesman Colonel Benjamin Hao, napag-atasan ang Philippine Army na ibigay ang lahat ng kinakailangang military honors sa dating pangulo.

Ang utos ay mula kay Rear Admiral Ernesto Enriquez, na siyang Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs ng Armed Forces of the Philippines.

Kabilang sa direktiba ang pagsasagawa ng vigil, pagpo-provide ng bugler at drummer, firing party, military host/pallbearers, escort at transportation, gayundin ang arrival at departure honors.

Ayon kay Hao, nagtalaga na ang Philippine Army ng protocol officer para makipag-ugnayan sa pamilya Marcos sa detalye ng burial plan.

 

Read more...