Ang pagtatalaga sa singer-actress ay kinumpirma sa convention ng NYC sa Quezon City.
Pasok naman ang 32-anyos na singer sa requirement para sa position na dapat hindi lalagpas ng 35-anyos ang maitatalagang chairperson ng NYC.
Nauna nang naiulat na itatalaga si Aiza bilang commissioner ng National Commission for Culture and the Arts, bagay na itinanggi ng singer.
Samantala, ang partner ni Aiza na si Liza Diño ay itinalaga namang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Tatlong taon ang termino ni Diño sa nasabing pwesto.
Ang pagtatalaga kina Aiza at Liza ay kinumpirma ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.