Mga nasawing preso sa pagsabog sa Parañaque City jail, pinangalanan na ng BJMP

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio August 12, 2016 - 11:26 AM

Kuha ni Jun Corona
Kuha ni Jun Corona

Tinukoy na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagkakakilanlan ng mga preso na nasawi sa pagsabog sa Parañaque City Jail Huwebes ng gabi.

Kabilang sa 10 na nasawi ay ang dalawang Chinese Nationals na sina Jacky Huang at Yonghan Cai na kapwa nahaharap sa kasong may kaugnayan sa droga.

Drugs cases din ang kinakaharap ng iba pang mga nasawi na kinilalang sina:

Waren Manampen
Ronald L. Domdom
Danilo C. Pineda
Oliver D. Sarreal
Jeremy B. Flores
Rodel L. Domdom
At Jonathan A. Ilas

Kasong robbery with homicide naman ang kinakaharap ng isa pang nasawi na si Joseph E. Entradicho.

Habang malubhang nasugatan at kinakailangang maoperahan ang jail warden ng bilangguan na si Supt. Gerald Bantag.

Ayon kay Parañaque City chief of police Sr. Supt. Jose Carumba, tiyak na may mananagot na opisyal ng bilangguan dahil nalusutan sila at nakapagpasok ng granada ang mga bilanggo.

Makikipagdayalogo lamang sana ang mga preso kay Bantag nang mauwi sa riot ang pag-uusap na nasundan nga ng pagsabog ng granada.

 

 

 

 

TAGS: BJMP identifies slain detainees on Parañaque jail blast, BJMP identifies slain detainees on Parañaque jail blast

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.