Yellow rainfall warning nakataas sa Bataan at Zambales
Itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa mga lalawigan ng Bataan at Zambales.
Ito ay dahil sa malakas na pag-ulan na nararanasan sa dalawang lalawigan na epekto ng habagat.
Inabisuhan ng PAGASA ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Samantala, mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang naka-aapekto sa Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas at Laguna.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.