Riding in tandem, patay sa shootout sa Pasay

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Dead on the spot ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at hinihinalang carnapper matapos pumalag sa isinasagawang “Oplan Sita” ng Baclaran Police Station sa Lungsod ng Pasay.

Naganap ang insidente, Biyernes ng madaling araw sa Don Carlos Village ng naturang lungsod kung saan sinita ng mga pulis ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo na may plate number NE 90499.

Sa halip na huminto pinaputukan ng isa sa mga suspect ang mga otoridad dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis.

Narekober naman sa dalawang suspect ang dalawang baril habang nagkalat naman ang mga basyo ng bala ng baril sa crime scene.

Kinumpirma ng Pasay police na carnap ang naturang motorsiklo na gamit ng mga suspect na inalarma Anti-Carnapping ng Pasay PNP simula Huwebes pa ng gabi, dahil nanakaw umano ang sasakyan sa bahagi ng Libertad St. sa Pasay City

Sa imbestigasyon ng SOCO, nakakuha sila ng piraso ng kartong na nakaipit sa katawan ng suspek na may nakasulat na “Wag tularan pusher ako”.

Habang nakuha naman sa bulsa ng isa pang suspek na nakasuot ng bonet ang picture ng isang babae at sketch na tila patungo sa isang lugar.

Palaisipan ngayon sa otoridad kung simpleng carnapper ang dalawang nasawi o hitman ang mga ito.

 

Read more...