Isang batang lalaki ang isinugod sa ospital matapos ma mahulog sa roller coaster sa Idlewild and SoakZone amusement park sa Pennsylvania.
Ayon sa Westmoreland County emergency dispatcher conscious naman ang bata nang isakay sa helicopter, patungo sa Children’s Hospital sa Pittsburgh.
Ito na ang ikaapat na aksidente sa amusement park rides sa US sa loob lang ng isang linggo.
Noong Linggo, isang 10 taong gulang ang nasawi sa water slide sa Kansas City.
Noon ding araw na iyon, dalawa ang nasugatan sa roller coaster ride sa Ohio.
At noong Lunes, tatlong bata naman ang nahulog sa ferris wheel sa Tennessee.
MOST READ
LATEST STORIES