Duterte sa Marcos burial: ‘Dapat noon pa sila gumawa ng batas na nagbabawal sa libing’
Dapat noon pa gumawa ng batas na nagbabawal kay dating pangulong Ferdinand Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga mambabatas..
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagiit ng mga anti-Marcos protesters na bawiin ang nauna nitong deklarasyon na payagan na mailibing sa LNMB ang labi ng dating diktador.
Paliwanag ng pangulo sa presscon na isinunod sa pakikipagkita nito kay Hidilyn Diaz na silver medalist sa Rio Olympics, sinusunod niya lamang ang umiiral na batas ukol sa pagpapahintulot na mailibing ang isang yumaong sundalo sa Libingan ng mga Bayani.
Dagdag pa nito, malinaw aniya na kuwalipikado si Marcos na maihimlay sa LNMB.
Kung hindi man ito aniya isang bayani, malinaw pa rin na naging sundalo ito.
At sa ilalim ng batas aniya, maaaring ilibing sa naturang sementeryo ang isang dating sundalo.
Giit pa ng pangulo, kung ninais ng ilang grupo at mga mambatas at ilang partido na pigilin ang pagpapalibing kay pangulong Marcos, sana ay noon pa ay bumuo na ng batas ang mga ito na ispesipikong nagbabawal na mailibing ito sa Libingan ng mga Bayani.
“Alam mo, kung ginusto nila, when they were already in power at the time, itong mga ‘yellow’ dapat nagpasa sila ng batas na hindi puwedeng ilibing si Marcos, when the guy was already in Guam in exile, they should have passed a law, prohibiting Marcos, if ever he comes home dead, to be buried at the Libingan ng mga Bayani.” Giit Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.