P1-B donasyon para sa rehab facilities, ibibigay ng San Miguel Corp.

By Jay Dones August 12, 2016 - 04:15 AM

 

smcMagbibigay ng isang bilyong piso ang San Miguel Corp. sa pamahalaan para magamit sa pagpapatayo ng mga rehabilitation centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kinumpirma ni Ramon Ang, President at Chief Operating Officer ng SMC ang naturang donasyon.

Nakipag-usap na sila aniya sa pamunuan ng Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa kaugnay sa naturang inisyatibo.

Aniya, malaki ang maitutulong ng naturang pondo upang maibalik sa dati o di kaya ay mapabuti pa ang buhay ng mga nalulong sa droga at maging bahagi na sila ng solusyon sa problema sa lipunan.

Sa pamamagitan aniya nito, makakatulong ang kumpanya sa hangarin ng pamahalaan na maisaayos at mapabuti ang kalagayan ng mga komunidad sa bansa.

Noong taong 2012 hanggang 2014, umabot sa isang bilyong piso rin ang iniambag ng SMC para sa mga nabiktima ng mga nakaraang bagyo na tumama sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.