12 patay sa cholera sa Central Africa

By Kabie Aenlle August 12, 2016 - 04:02 AM

 

File photo/WHO

Hindi bababa sa 12 katao na ang nasawi sa Central African Republic dahil sa sakit na cholera mula lang nang mag-umpisa ang buwan ng Agosto.

Ayon kay Minister of Health and Public Hygiene Fernande Ndjengbot, 19 na kaso na ang naitala nila hanggang August 11.

Walo sa mga ito ang nasawi sa lugar kung saan unang lumabas ang cholera sa Ndjouku, habang tatlo naman sa Zawara village at isa sa Bangui na kanilang kabisera.

Tumutulong naman na ang UN Children’s Agency upang magawan ng paraan ang water purification upang mabigyan ng ligtas at malinis na inuming tubig ang mga tao, at katuwang rin nila dito ang iba pang non-governmental organizations.

Ang cholera ay isang sakit sa sikmura na kadalasang nakukuha sa kontaminadong tubig at pagkain na nagdudulot ng diarrhea na maaring mauwi sa malubhang dehydration at kidney failure sa loob lamang ng ilang oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.