Pangulong Duterte kay CJ Sereno:  ‘I apologize’

 

Humingi na ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay  matapos ang pagbibitiw nito ng maanghang na salita kontra sa Punong Hukom at banta pa ng martial law kung patuloy siyang pakikialaman sa kampanya kontra droga.

Sa pagharap nito sa mga mamamahayag kagabi kasabay ng kanilang pagkikita ni Olympic Silver medalist Hidilyn Diaz sa Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya sinasadya ang kanyang mga sinabi.

“I apologize to the Chief Justice for the harsh words which were never intended.” Mensahe ng Pangulo kay CJ Sereno.

Matatandaang nagsimula ang tensyon nang kilalanin ni Pangulong Duterte ang ilang mga hukom na sangkot umano sa iligal na droga at ang pag-utos sa mga ito na mag-report  sa Korte Suprema.

Dahil dito, lumiham si CJ Sereno sa Pangulo at pinaalala dito ang ‘separation of powers’ ng dalawang sangay ng gobyerno.

Gumanti naman ng tugon ang Pangulo sa pagsasabing hindi dapat gumagawa ng krisis ang Korte Suprema at nagbabala pa na magdekalara ng martial law.

Read more...