Sampu na ang kumpirmadong nasawi sa insidente ng pagsabog na sinundan ng kaguluhan sa loob mismo ng Parañaque City Jail kagabi.
Sa inisyal na ulat, mag-aalas 9:00 ng gabi nang maganap ang pagsabog na ikinasawi ng mga biktima.
Walo ang agad na nasawi sa pagsabog samantalang may dalawa pang nadala sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival.
Sa inisyal na impormasyon, dapat sana ay magkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng mga preso ng Parañaque City Jail at warden nito ukol sa nakaambang paglilipat ng preso kagabi nang maganap ang pagsabog.
Sa kasalukuyan, nagsimula nang magsidatingan ang mga kaanak ng mga bilanggo sa naturang piitan.
MOST READ
LATEST STORIES