Higit 100 pulis laglag sa confirmatory drug test

By Ruel Perez August 12, 2016 - 04:16 AM

 

Isinasailalim na ng PNP sa proseso ng dismissal o pagsibak ang 116 na mga pulis na nagpositibo sa isinagawang confirmatory drug test ng PNP.

Ayon kay PNP Directorate for Investigation and Detective Manamgement Sr. Supt. Fausto Mansanilia, isasailalim na sa summary dismissal ang 116 na mga pulis matapos bumagsak pa rin sa confirmatory test.

Ani Mansanilia, mahigit sa 75,000 mga pulis na isinalang sa drug test kabilang ang 34 na PNP personel na una nang humarap kay Chief PNP Ronald Bato dela Rosa matapos mapabilang sa narco-list ni Pangulong Duterte.

Maliban sa pagsibak sa tungkulin, sasampahan din ng kasong kriminal at administratibo ang mga nasabing pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.