DPWH magpapatupad na ng round-the-clock works sa mga infra projects
Inihahanda na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang draft sa pagpapatupad ng 24/7 construction works sa mga priority projects ng pamahalaan.
Target ni DPWH Sec. Mark Villar na mabawasan ang malaking backlog sa mga infrastructure project ng pamahalaan.
Nauna nang sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na umaabot sa P2.3 Billion ang nawawala sa pamahalaan dahil sa mga naaantalang proyekto.
Simula rin ngayong araw na ito, sinabi ni Villar na kinakailangang matapos sa loob ng 24-oras ang lahat ng mga ginagawa reblocking sa ilang mga pangunahing lansangan tulad ng Edsa.
Kabilang sa mga proyekto ng pamahalaan na target tapusin ng DPWH sa mga susunod na buwan ay ang Mandaluyong Main Drainage Project, road widening at drainage improvement sa bahagi ng Quezon Avenue—east bound at Mother Ignacia at ang drainage improvement sa kahabaan ng Edsa mula sa White Plains hanggang Main Avenue sa Cubao Quezon City.
Ipatutupad din ang 24/7 constructions works sa mga proyekto sa Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.