2 pang mga mining firm suspendido, La Mesa Eco Park winarningan ng DENR

By Den Macaranas August 11, 2016 - 04:16 PM

gina-lopez1
Inquirer file photo

Dalawa pang dagdag na mga mining firms ang sinuspinde ang kanilang mga operasyon base sa kautusan ni Environment Sec. Gina Lopez.

Sa kanyang ipinatawag na press conference, sinabi ni Lopez na bigo ang Mt. Sinai Mining na isang Chromite mining firm at ang nickel miner na Emir Mineral Resources Incorporated na sumunod sa mga ipinatutupad na mining law base sa ongoing audit na ginagawa ng kagawaran.

Ang nasabing mga mining companies ay parehong matatagpuan sa Homohon Island sa lalawigan ng Eastern Samar.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa sampung mga kumpanya ng minahan ang pansamantalang tigil ang operasyon dahil sa hindi pagsunod sa mga alituntunin na nakapaloob sa kanilang Environment Compliance certificates o ECC.

Ipinaliwanag ni Usec. Leo Jasareno na dahil sa kapabayaan ng Mt. Sinai at Emir Mineral Resources ay dumanas ang buong isla ng Homonhon ng grabeng soil erosion at deforestation.

Pinagpapaliwanag rin ni Lopez kung bakit hindi dapat kanselahin ang ECC ng Semirara coal mine, Tampakan Gold and Copper mine at ang pinamamahalaan ng pamilya Lopez na La Mesa Watershed sa Quezon City.

TAGS: DENR, emir mineral resources, lopez, mt. sinai, DENR, emir mineral resources, lopez, mt. sinai

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.