1 PNP General, 3 Colonel nagpositibo sa paggamit ng droga

By Den Macaranas, Ruel Perez August 11, 2016 - 03:26 PM

camp-crame
Inquirer file photo

Hawak na ni Interior and Local Government Sec. Mike Sueno ang pangalan ng 116 police personnel na nagpositibo sa illegal drugs mula sa 75,964 na mga pulis na isinalang sa drug test.

Tiniyak ng kalihim na dadaan sa tamang proseso at imbestigasyon kung bakit naging positive sa droga ang nasabing mga tauhan ng Philippine National Police.

Kabilang sa mga nag-positibo sa drug test ay isang police official na may ranggong Chief Superintendent o katumbas ng Brigadier General sa military rank.

Tatlong mga Senior Superintendents din na may katumbas na ranggong Colonel ang positive sa droga ayon sa kalihim.

Nauna dito, sinabi ni PNP Directorate for Investigation ang Detective Management (DIDM) Director Fausto Manzanilla na kaagad na papatawan ng disciplinary actions ang mga nagpositibo sa droga habang isinasa-ilalim sa proseso ang ilang mga sisibakin sa pwesto.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na 0.15 percent lamang ang nasabing numero kumpara sa may nakararaming bilang ng ma pulis na maayos na naglilingkod sa publiko.

TAGS: didm, Illegal Drugs, PNP, didm, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.