Dating DFA secretary nanindigan na walang mali sa pag-imprenta ng APO ng mga pasaporte

By Den Macaranas August 11, 2016 - 03:06 PM

Albert del rosario
Inquirer file photo

Mariing itinanggi ni dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na may naganap na iregularidad sa ginawang paglilipat sa APO Production Unit ng pag-iimprenta ng Philippine Passport simula noong buwan ng Oktubre 2015.

Ayon sa dating opisyal, dumaan sa tamang proseso ang paglilipat ng passport printing mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) patungo sa APO.

Mismong ang BSP ayon kay del Rosario ang nag-request na alisin na sa kanila ang pag-iimprenta ng mga pasaporte dahil hindi na raw nila kanyang punan ang mataas na demand nito.

Sa ilalim ng Philippine Passport Act, sinabi ni del Rosario na tanging ang BSP, APO at National Printing Office na pawang mga government official printers ang otorisado na mag-imprenta ng mga pasaporte.

Si del Rosario ay sinampahan ng kasong graft sa Sandiganbayan ng Anti-Trapo Movement (ATM) dahil sa umano’y may naganap na iregularidad sa pag-iimprenta ng APO ng mga e-passports.

Paliwanag pa ni del Rosario, ang APO ang kanilang kausap sa passport printing noong 2015 at wala na silang pakialam kung kumuha man ng ibang contractor ang nasabing printing facility ng gobyerno.

TAGS: apo, Del Rosario, DFA, passport, apo, Del Rosario, DFA, passport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.