Preso na nahaharap sa drug case, patay sa pagsalakay ng CIDG sa Abuyog Penitentiary
Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 at ng Regional Anti Illegal Drugs Group at RPSB ang Leyte Regional Penitentiary sa Brgy. Cagbulo, Abuyog, Leyte upang isilbi ang search warrant laban kay Edgard Allan Alvarez y Enriquez alias Egay.
Ayon kay Chief Inspector Maria Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Police Regional Office 8, patay sa insidente si Enriquez matapos na pumalag sa raiding team.
Ani Rentuaya, kaagad naghagis ng granada si Alvarez sa raiding team na maswerte namang hindi sumabog at pagkatapos ay bumunot umano ng baril kung kaya napilitan sila na paputukan si Alvarez.
Narecover mula sa drug inmate ang isang kalibre 45 baril, 38 revolver, isang brick ng pinatuyong marijuana at hindi pa matiyak na dami ng hinihinalang shabu.
Naganap ang insidente pasado alas 4:00 ng madaling araw ng Huwebes.
Matatandaan na ikinanta ni Mayor Rolando Espinosa na pinagkukunan ng droga ni Kerwin Espinosa ang Abuyog Penitentiary.
Dahil sa nasabing impormasyon ay nagkasada ng pagsalakay ang mga otoridad sa bilangguan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.