Medical team, biyaheng Saudi Arabia ngayong araw para tulungan ang mga stranded OFWs

By Erwin Aguilon August 11, 2016 - 10:12 AM

OFWs-libyaNakatakdang umalis ngayong araw ang medical team ng Department of Health (DOH) patungong Saudi Arabia upang alalayan ang mga stranded na OFWs doon.

Ayon kay DOH Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial,magsasagawa ang kanilang team ng psychological debriefing, psychological examination, medical consultations at pamamahagi ng mga gamot sa mga stranded OFWs.

Susuriin din ng medical team ang water at environmental sanitation sa mga camp sites na tinutuluyan ng mga stranded OFWs.

Ang emergency response team ng DOH ay binubuo ng 14 na medical at paramedical professionals kung saan tatagal ang kanilang misyon sa Saudi ng dalawang linggo.

Sinabi ni Ubial na ito ay bahagi ng emergency response ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na “Operation: Bring them Home” sa harap ng mga report na maraming OFWs ang nagtatangka na umanong magpakamatay.

Maraming mga OFWs ang nanatili na lamang sa mga camp sites matapos mawalan ng trabaho dahil sa pagbagsak ng presyo ng krudo.

Kabilang pa sa mga ahensya ng gobyerno na nagpadala ng team para tulungan ang mga OFWs na makauwi at magkaroon ng kabuhayan pagbalik sa Pilipinas ay ang DFA, DOLE, DSWD, POEA, OWWA, TESDA at PAO.

 

 

 

TAGS: stranded OFWs in Saudi Arabia, stranded OFWs in Saudi Arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.